The Imbecile One
Aspiring Photographer, Lover, Foolish, Stupid, Awkward, Weird


Tanga na kung tanga. Martyr na kung martyr yun ako eh!
6am gising… Lutang nnmn..
Hay lolo na ako… Grabe! Bilis ng panahon.

Bella Flores, Philippine Cinema’s Primera Contrabida, passed away May 19, 2013. She made a big mark in Philippine Cinema by doing villainous characters.
Snapshot grabbed from Kontrabida101 video in youtube.
(via pinoytumblr)
Lol katawa nmn si Ms. Dawn sa concert ni Vice

Isa karin ba sa mga libong bata na naniwala sa Royal bilang pampagaling pag may lagnat? O di kaya sa kisses na kapag nilagay sa bulak ay manganganak? Yung panahon na wala pang internet at kadalasan lahat ng bata naglalaro sa labas at hindi nagkukulong lang sa loob ng bahay?
Kung sa panahon ngayon na nasa loob ka lang ng bahay at iiyak ka dahil mabagal ang connection ng internet niyo o kaya ay wala talaga, noon iiyak ka kapag hindi ka nakapag-laro sa labas ng bahay at hindi ka nakipaghabulan sa mga kalaro mo. Hindi uso ang gadgets, sadyang masaya ka na kung meron kang turumpo, isang bag ng holen, isang kahon ng teks o pog, at isang dakot ng laste. Maswerte ka na kung uuwi ka sa inyo ng hindi amoy araw at hindi mukhang gusgusin ang itsura. Kung mayaman-yaman naman kayo uso ang gameboy, playstation na de bala, at VSHS para sa panonood ng movies. Masarap makipag-laro ng harang taga, jollibee, langit-lupa, bam! sak!, tatsing tsinelas, tatsing lata, agawan base at sisigaw ka na lang ng “buro, kamatis, isang tiklis” lalo pag tapos na ang laro.
Sa pagkain naman, hindi uso ang mga mamahaling pagkain, ni hindi nga rin uso ang jollibee ng mga panahon na yun kasi mabubuhay ka na sa laman ng tindahan. Kung maaalala niyo ang pompoms, sweetcorn, tomi, chocobot, tira-tira, plastic balloon, moymoy, ice candy, iced gem, isang malaking lata ng biskwit, bazooka, mik-mik, hawhaw, viva candy, white rabbit, at pop rice. Ni hindi pa nga double mint non kasi juicy fruit pa lang, hindi uso ang braces dahil ang silver na foil na naka-lagay dun ang ginagawa namin.
Si Roderick Paulate bilang petrang kabayo at hindi si Vice Ganda, wala pang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil may Judy Ann Santos at Wowie de Guzman noon o di kaya Rico Yan at Claudine Baretto ang usong love team. Hindi si Kuya Kim kundi si Ernie Baron ang sikat sa pagbibigay ng trivia. Hiraya Manawari, Bayani, Math-tinik, Sineskwela, Batibot ang mga usong palabas tuwing umaga, hanggang sa Dragon Ball Z, mojacko, zenki, magic knight rayearth at iba pa sa hapon. Hindi pa nga uso ang ABS-CBN at GMA7 ng mga panahon na yun dahil RPN 9 ang sadyang sikat sa mga cartoons.
Walang wattpad kundi komiks ang benta noon, walang internet na pwedeng kuhanan ng lyrics sa gitara kundi ang song hits lang at madalas nililipat sa notebook bilang kopya. Wala ring masyado ang may cellphone nun at hindi uso ang touch screen dahil big time na ang cell phone mo kung may antena. Hindi uso ang isang send lang, madalas dinadaan pa sa sulat at kanya-kanyang pakulo sa pagtutupi ng papel. Uso ang stationery kung san mas mabango, mas nakaka-excite basahin.
Wala pang havaianas noon dahil uso ang rumbo o islander, ang mga libro na ginagawang komiks dahil dino-drawingan ng kung anu-ano. Sapatos na umiilaw, at perang papel na kadalasan nilalagyan ng salamin si Aguinaldo. Saranggola, tutubi, bahay-bahayan at mga laruang papel. Isa ka ba sa mga nagtupi ng libong papel para makagawa ng eroplano o di kaya ay bangka at puppet?
Masaya maging batang 90’s at proud ako na nakita ko yun bago tuluyang magbago ang henerasyon. Proud ako na naging madalas ako sa labas ng bahay at nagkaroon ng mga kaibigang naging kalaro at nakapikunan ko sa laruan. Kumpara ngayon na may kaaway ka sa internet at ni hindi mo nakita ng personal. Sadyang mabilis magbago ang panahon, ganun din siguro talaga ang utak at pati ang tao mismo. Sayang lang dahil hindi nagawa ng ibang bata yan ngayon, ni hindi masikatan ng araw dahil madalas nagpupuyat lang sa kakaupo, kakakain habang nasa harap ng computer.
Bitbit, Norzagaray